Dear Kuya Dimple...

| 0 comments

As per title...

Hi. Gusto ko lang sabihin na ang cute mo. Haha. Alam mo yan. Unang beses palang kitang nakita, nako, nagskip yung puso ko na unti-unti nang nagiging bato nung time na yun. At yang dimple mo, SHET, maliban sa sucker talaga ako sa mga guys na may dimples, dude, ugh, nakakabuo ng araw yung pagngiti mo tas lumalabas yung dimple mo. HAHA. Pero hindi na ko magdu-dwell dun dahil tapos na yun. Oo, alam ko may long time girlfriend ka. At siguro maganda sya. Although napaniginipan kong nameet ko na sya tas panget pala sya. Pero sure akong panaginip lang yun. Ayun. Hindi naman ako mangaahas. Masama yun eh. Pero hindi rin naman kita kakagatin! Nakakaasar na hindi umuubra charms ko sayo. Nice naman ako eh. Diba? I'm a nice girl. *with matching fluttering eyelashes* May common topics naman tayong pwedeng pag-usapan eh. Ayoko nalang ding lapitan ka, kasi feel kong tablado na ko agad sayo kasi ang suplado mo. Hindi ko naman ikamamatay pag hindi mo ko pansinin. That's true. Pero sayang ang natitirang oras natin. Huhu. Iiwan mo na kami for alam mo naman kung saan ka pupunta. Wow sounds familiar ng sentiment. Wala lang. Yun lang. Talk to me when you're ready. Katabi mo lang naman ako. :P

Warm Regards,
Redge <3