The way we are in Taylor Swift song titles.

Phase I: Enchanted
- "I'll spend forever wondering if you knew // I was enchanted to meet you."
- "Please don't be in love with someone else."
-Honeymoon phase. Eto yung phase na shet, cute ka (parin) pala. Yung araw na nakilala ko sya, yung birthday ko sa sunken garden, yung gabi na YUN, yung miyerkules na magkasama kaming dalawa. Eto yung phase kung saan nagsisimula yung nararamdaman ko sa kanya (uli). Fanning the flames, ika nga. Eto yung tuwang-tuwa ako kanya at kung ano ano ang nasasabi ko, kagaya ng, "Magtitino na ko para sa kanya." at "Sya na to, kahit ano gagawin ko para sa kanya."

Phase II: Fearless
- "I don't know why but with you I'll dance in a storm in my best dress, fearless."
- Simula ng katangahan. Kahit anong ipagawa mo sakin, basta sabihin mo (actually kahit hindi, kung maisip ko) na matutuwa sya, pucha, kakaririn ko. Gusto mo kong magbiyahe ng apat na oras sa gitna ng bakasyon para utusan lang? Tangina ka. Pero kung sa tingin ko eh baka ikatuwa nya yun. puta, kahit araw araw! Ganun. Well, ganun nagsimula. Basta ang mindset ko lang nun, magpapacute, magpapakabait, magpapakabibo at magpapaka-achiever ako, kahit ano basta mapansin nya ko.

Phase III: Tell Me Why
- "I need you like a heartbeat but I know you got a mean streak."
- After kong mahaggard, mastress at mawindang sa pagiging achiever ko, syempre titignan ko kung ano ang effect sa kanya. Natuwa ba sya? Ang problema, 99 times out of 100, deadma lang sya. Tas yung one time, saktong 3 words lang yung sasabihin nya sa kin. Syempre BV ako. Sarap nyang sapakin, kung hindi ko lang sya talaga mahal na mahal. Sobrang, "Pakyu ka manong! Pakamatay buwis buhay na ko dito! Pwedeng mapansin ako. Pwede talaga!" Yun yung feeling nyan. Feeling ko din na baka kulang pa ang pagaalay ng kaluluwa, pagkatao at virginity mo sa kanya para mapansin ka nya. Inisip ko na gayumahin na lang sya. Or baka ipakulam na ng tuluyan. Pero alam kong mahal ko parin sya.

Phase IV: Come In With The Rain
- "I'll leave my window open, cause I'm too tired to call your name // Just know I'm right here hoping that you'll come in with the rain."
- Eto yung phase na haggard, stressed at windangerz ka na talaga. Physically and emotionally. Eto yung outright ko na talaga syang minumura, "Tangina nyang gago sya. Manhid ang puta! Mamamatay syang KJ at forever alone!" Tangina nya talaga. Pero alam ko na kaya ko pang higitan ang sarili ko. Alam kong kaya ko pang mas mahaggard, mastress at mawindang. Pero yoko na rin. Quits na. Wala namang naidudulot eh. Dito ko narealize na kung para sya sakin, kahit ano ako, tatanggapin nya ko. Naisip ko na siguro, okay naman na yung nagawa ko. Hayaan ko nalang sya naman ang lumapit. Abangerz mode izz on.

Phase V: You're Not Sorry
- "This is the last straw. Don't want to hurt anymore // You can tell me that you're sorry but I don't believe you baby."
- So okay, nagkaugat na ko kakaabang na lumapit sya at magparamdam. Habang patuloy kong pinapatunayan ang sarili ko sa kanya, unti-unti ko nang nararamdaman ang futility of it all. Eto yung seryosong naka-capslock na "PUTANG INA. AYOKO NA! PAGOD NA KO! TANGINA KA RIN! PAKYU!!"
(╯°□°)╯︵ ┻━┻  Nagsisimula na kong mafrustrate at magalit at maasar. Ayoko na syang makita, mainly because naiisip ko kung ano pa ang kulang sakin para mahalin nya din ako. Seryosong BV na ko dito. Pero wala parin akong nakukuhang reaksyon sa kanya. Ang hirap magmahal ng tarantadong kagaya nya.


Phase VI: Haunted
- "Don't leave me like this. You're all I wanted."
- After kong magalit at maasar, maiisip ko na, fuck, lahat ng ginawa ko na yun, para yun sa kanya eh. Tas ngayong galit ako sa kanya, pano na. Ano na ang silbi ko sa universe? Anong meaning nung mga maaaccomplish ko kung wala naman akong aalayan nun diba? Anong meaning ng mga naaccomplish ko? Wala, empty, meaningless things nalang sila ngayon. Suddenly, gusto ko pang kumapit. Gusto ko pang magmakaawa sa kanya. Ano ba ang kailangan kong gawin para mahalin nya din ako? Parang hindi ko ata kakayanin na mawala sya. Sya yung naging rason para sa lahat ng ginagawa ko. Pano na kung wala sya. Oh nuuuu~

Phase VII: Last Kiss
- "All that I know is that I don't know how to be something you'll miss."
- Narealize ko na kung gaano kadependent sa attention nya ang buhay ko. Kung akala mo nakaka-emo na yun, well mas malala yung isang araw na nagising ako at napaisip, "Kung mawala kaya ako sa buhay nya, ano kaya magiging reaksyon nya? Mamimiss kaya nya ko? Malalaman ba nya na nawala ako?" Ang masaklap dyan, alam kong ang sagot dun ay "Wala. Hindi. Baka hindi." Sobrang nakakadepress yung thought na yun. Yung ikaw, nabuhay ka para sa kanya pero ikaw, gabutil ng buhangin lang ang halaga mo sa buhay nya. Ang sarap magpakamatay. Buti hindi ako ganung klaseng tao. Pero seryoso, kinakain ng lungkot lahat ng saya ko sa katawan tuwing naiisip ko ito noon.

Phase VIII: White Horse
- "I'm not a princess, this ain't a fairytale."
- Haha. Ang simula ng recovery. ARM. Admission, Regrets and Moving on. Admission. Kinailangan kong tanggapin na, oh well papel. Hindi sya eh. Hindi naman to Angel Locsin movie. It's the real motherfuckin world! May mga heartbreaks ka talagang pagdadaanan. Minsan, ikaw ang babayo at magsasaing pero iba ang kakain. All's fair in love and war at kung ano ano pang cliche para majustify ang kabiguan ko. Pero at least tanggap ko na na nabigo ako. Hindi ko na niloloko yung sarili ko na may pag-asa pa. Hindi nga naman ito fairy tale. Ganun talaga. Haaayz.

Phase IX: Picture To Burn
- "As far as I'm concerned, you're just another picture to burn."
- Eto yung wildgirl promiscuity prone phase ko. A girl has to move on! At para makapagmove on, kailangan kong matutunan to take him with a grain of salt. Sows, the bitch ain't holding me down! Syempre manghihinayang ka sa oras na sinayang mo sa kanya, pero well, tangina nya! Hahaha! Eto yung reverse bittering phase. Naalala ko lang lahat ng mga bagay na ayaw ko sa kanya (eg, masyado syang maliit, yung boses nya galing sa ilalim ng lupa, yung mukha nyang mukhang mangga etc) at maiisip ko rin yung mga bagay na naging okay dahil hindi kami nagkatuluyan (eg hindi kami magkakaanak ng chinese nigger, mahirap maging legal sa parents namin etc) Galit parin ako sa kanya pero ineenjoy ko nalang, hindi ko kinikimkim at hinahayaang makaapekto sa kung ano mang natira sa buhay ko.

Phase X: The Other Side Of The Door
- "When I left, I wanted you to chase after me."
- Ano yung sabi mo? "I hate that you're perfectly fine without me." Well . Medj. Kinda. Sorta. Sige oo na nga. Kahit na napapadalas kong niyuyurakan ang pagkatao para makalimutan ka, may konting parte parin sakin na umaasa na mali ako, na hindi ka ganung klaseng tao, na baka naman may pag-asa pa ko sa puso mo.  Kaya kita iniiwasan kasi gusto kong makita kung babalikan mo ko. Abang-abang uli. Baka magmilagro si St. Jude.

Phase XI: The Story Of Us
- "I'm dying to know, is it killing you, like it's killing me?"
- Hindi ako pasensyosong tao, lalo na sa mga walang kakwenta-kwentang bagay na kagaya nya. Hindi ako maghihintay ng matagal para magkaroon sya ng lakas ng loob para habulin ako. Hindi rin ako humble na tao. Nagkakaroon ako ng kaaway dahil sa pride ko. Sa phase na to, pride nalang talaga ang pinanghahawakan ko eh. Habang hindi nya ko pinapahalagahan, hindi ako aamin sa kahinaan. Hindi ko parin ipapakita na mahal ko sya. As far as he's concerned, deadma ako sa kanya. Hindi ko mapanindigan sa sarili ko na hindi ko na sya mahal, kaya kahit yung ibang tao, kasama na sya, ay maloko ko man lang. Hindi ako aamin na sya ang kahinaan ko. Pero ang totoo, nangangati parin ako upang gumawa ng paraan para mahalin mo ko uli. Tamang tyempo, tamang timpla ng mood mo, baka may pag-asa na uli tayo.

Phase XII: Sparks Fly
- "My mind forgets to remind me you're a bad idea."
- Isang araw, isang hapon, isang gabi, isang oras. Kahit gaano katagal, basta may mangyaring magpapaalala sa akin ng mga bagay na minahal ko sa kanya. Pag nahuli ako ng nakababa ang depensa, fuck, eto nanaman. Lalabas nanaman na kahinaan ko sya. Mahinang mahina talaga ako pagdating sa kanya. At dahil yun sa tuwa at ibang ligayang nararamdaman ko kapag kasama ko sya, kapag nakakabiruan, kapag nakakatrabaho. Babalik na tayo uli sa Phase I. Haaaay Kamote.

0 Responses on "The way we are in Taylor Swift song titles."

Post a Comment